Patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam, ibinabala ng PAGASA

Magiging pahirapan sa mga dam na nakamit ang pag-abot sa optimal water level bunsod ng kakulangan sa ulan at ang pagsipa ng heat index ngayong taon.

Ito ang ibinabala ng PAGASA kasunod ng hindi sapat na nakukuhang dami ng tubig ulan upang marating ang target na water level.

Ayon kay PAGASA weather specialist Oyie Pagulayan, halos kalahati kasi ng pinagkukunan ng tubig ng dam ay nakukuha sa bagyo.


Sa ngayon, nagkaroon ng kaunting pagtaas ng water level as of 6 a.m. sa ilang dam tulad ng Angat, La Mesa, Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dahil sa mga pag-ulan na naranasan noong weekend.

Habang patuloy naman ang pagbaba ng water lelve sa mga dam ng Ipo, San Roque at Pantabangan.

Facebook Comments