Patuloy na pagbaba ng poverty rate ng Pilipinas, ikinatuwa ng Palasyo

Manila, Philippines – Pinasalamatan ng Palasyo ang economic team ng administrasyon dahil sa magandang performance nito sa nakalipas na mga taon kaugnay na rin ng pagsisikap ng pamahalaan na tuloy-tuloy na maibaba ang antas ng kahirapan sa bansa.

Kasunod na rin ito ng inilabas na projection ng World Bank Macro Poverty Outlook for East Asia and the Pacific hinggil sa poverty reduction rate na kanilang nakikita sa Pilipinas na posibleng bumaba ng hanggang 20.8 percent.

Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel at spokesman Salvador Panelo, nangangahulugan lang na tama ang tinatahak ng economic team sa gitna ng target na mapababa ang antas ng kahirapan ng hanggang 14.0 percent sa pagtatapos ng termino ng Duterte administration sa 2022.


Anim na milyong mga Pilipino ang hindi na masasabing hindi na mabibilang sa mahihirap sa sandaling maabot ang nabanggit na target.

Tiniyak naman ni Panelo na magdodoble kayod pa ang mga nasa economic team upang maabot ang target nito para sa mga tinaguriang marginalized sector.

Batay pa sa projection ng world bank, bababa pa sa 19.8 percent sa 2020 ang poverty reduction rate at 18.7% sa 2021.

Facebook Comments