Patuloy na paghahanap ng business opportunities, iniutos ni PBBM sa mga newly appointed Philippine envoys

Maghanap ng business opportunities at partnership sa ibang mga bansa para sa Pilipinas.

Ito ang bilin ni Pangulong Bongbong Marcos sa newly appointed Philippine Ambassadors Extraordinary and Plenipotentiary matapos ang isinagawang courtesy call ng mga ito kahapon sa President’s hall sa Malacañang.

Sa kanyang mensahe sa mga bagong Philippine envoy, hinikayat niya ang mga ito na ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga ibang bansa para sa magandang partnership.


Kaibigang bansa man aniya o hindi, mahalaga na maipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan para maipaliwanag kung ano ang mga nais ng Pilipinas para sa pag-unlad.

Ito aniya ay makakatulong para makaahon sa epekto ng pandemya sa ekonomiya at epekto din nang nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Bilang mga representative aniya ng Pilipinas mahalaga na magsilbing instrumento para tulungan ang bansa makahanap nang mas maraming investors.

Facebook Comments