Patuloy na pagpapatupad ng major infrastructure projects sa bansa, tiniyak ni PBBM matapos ang pagpirma sa kontrata para sa pagpapagawa ng North- South Commuter Railway

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang consistency of policy para sa pagpapatupad ng mga major infrastructure projects sa bansa.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos ang pagpirma sa kontra para sa pagsisimula ng konstruksyon ng North-South Commuter Railway Project-South Commuter section sa President’s Hall sa Malacañang kanina.

Ayon pa sa pangulo, ang civil works o konstruksyon ng proyektong ito ay magbibigay ng mahigit 2,000 mga trabaho at oportunidad para makapagnegosyo habang isinasagawa ang konstruksyon.


Pero ang mas maganda ayon sa pangulo kapag natapos ang proyektong ito, malaking ginhawa ito sa commuters, dahil mas mapapabilis ang biyahe, mula Pampanga hanggang Metro Manila at Laguna magiging isang oras at 12 minuto na lamang ang biyahe mula dalawang oras at 30 minuto.

Nagpasalamat naman ang pangulo sa Asian Development Bank (ADB) at sa Japan International Cooperation Agency (JICA) dahil sa patuloy na pagtulong sa Pilipinas para sa mga infrastructure developments sa loob nang maraming taon.

Ang railway system ay isa sa mga flagship project ng Marcos administration na nakalinya para Build Better More.

Facebook Comments