Patuloy na pagsulpot ng POGO, iimbestigahan ng Senado

Manila, Philippines – Muling magsasagawa ng pagdinig ang Senate Committee on Labor ukol sa patuloy na pagdami ng Philippine Offshore Gaming Operations o POGO.

Ayon kay Committee Chairman Senator Joel Villanueva kailangan itong busisiin dahil sa halip na makatulong ay pinapatay ng POGO industry ang ekonomiya ng bansa.

Diin pa ni Villanueva, wala ring pakinabang dito ang mamamayan dahil pawang mga Chinese nationals ang kinukuha nitong emplyedo na sa mahabang panahon ay hindi nakakaltasan ng buwis.


Binanggit pa ni Villanueva na dahil sa pagdami ng mga Chinese na umuupa sa mga condominium unit at business spaces ay tumaas ang renta nito na hindi na kaya ng pangkaraniwang Pilipino.

Nangangamba din si Villanueva na tumaas ang krimen sa pagdami ng POGO dahil karugtong aniya ng pagdami ng pasugalan ang kriminalidad at katiwalian.

Facebook Comments