Patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpapatalang Pilipino sa abroad para sa overseas absentee voting sa 2019 elections, kinumpirma ng DFA

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs – Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS) ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpapatalang Pilipino sa abroad para sa overseas absentee voting sa 2019 elections.

Ayon sa DFA, sa nakalipas na apat na buwan ay 105,333 na ang nagpatalang OV registrants

Ito ay mas mataas kumpara sa unang apat na buwan ng ‎2014-2015 registration drive.


Target ng DFA ang panibagong 1.1-million na overseas voters para sa 2019 elections.

Ang overseas voters registration ay nagsimula noong December ng nakalipas na taon at magtatapos sa September 30 ng susunod na taon.
DZXL558

Facebook Comments