Patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, susunod na magiging malaking problema sa bansa – Joey Concepcion

96

Inihayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang magiging malaking problema na kakaharapin ng bansa.

Sa Laging Handa Public press briefing, sinabi ni Concepcion na ang patuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ay nagdudulot ng walang tigil sa pagtaas ng mga presyo ng mga pangangailangan ng mga Pilipino.

Nababahala aniya siya dahil kung tataas pa ng malaki ang mga bilihin ay maaapektuhan ang mga konsumer at bababa ang kanilang pagkonsumo at hindi na natin maaabot ang growth rate.


Kaya naman, pinatitiyak ni Concepcion sa pamahalaan na ang domestic production ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa ay dapat bigyang pansin upang maiwasan ang paglala ng mga naturang bagay.

Facebook Comments