Patuloy na pagtutulungan at pagmamalasakit sa bansa, panawagan ng DND sa mga Pilipino ngayong Araw ng Kagitingan

26

Nanawagan si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko na ipagpatuloy ang pagtutulungan at pagmamalasakit sa bansa.

Ito’y sa harap na rin ng kinakaharap na pandemya ng bansa, kung saan mismong ang kalihim ay naging infected ng COVID-19.


Sa kanyang mensahe, sinabi ng kalihim na sa kabila ng matinding pagsubok na kinakaharap ng bansa, ipinakita ng mga Pilipino ang kagitingan sa paglaban sa pandemya.

Nagpasalamat si Lorenzana sa mga frontliner na nangangalaga ng kalusugan, mga sundalo at iba pang kawani na patuloy na nagtitiyak ng kaligtasan, at mga kababayang tumutulong sa kanilang kapwa.

Si Lorenzana ay kasalukuyang naka-isolate, ngunit nasa maayos na kalagayan at ginagampanan pa rin ang kanyang tungkulin sa pamamagitan ng “work-from-home”.

Facebook Comments