Hindi palalampasin ng mga kongresista ang muli na namang matinding problema sa pagbaha na naranasan sa pananalasa ng Bagyong Enteng.
Ayon kay Manila 3rd District Rep. Joel Chua, uungkatin nila ang suliranin sa pagbaha sa pagsalang sa pagbusisi ng Kamara sa panukalang pondo sa susunod na taon para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA).
Magugunita na una nangg nagsagawa ng pagdinig ukol sa pagbaha ang House Committee on Metro Manila Development na pinamumunuan ni Manila 6th district Rep. Rolando Valeriano matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina.
Dismayado si Chua na sa paghagupit ng Bagyong Enteng ay muli na namang nagdusa ang publiko dahil sa pagbaha kaya naman ang pondo para sa mga flood control projects ay isa sa mga pangunahing nilang tututukan sa budget hearings.