Nag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos jr sa President’s hall sa Malakanyang ang US -Philippine Society.
Sa isinagawang courtesy call kanina, sinabi ng pangulo na ang partneships ng Estados Unidos at Pilipinas ay bahagi na ng history.
Kaya masaya raw ang pangulo na aktibo ang US-Philippines Society sa tuwing magkakaroon ng interaction sa pagitan ng US at mga pribadong sektor at gobyerno ng Pilipinas.
Nagpapasalamat ang pangulo na patuloy ang US sa pagpapakita ng interes sa Pilipinas lalo na sa pagpapatatag pa ng mas magandang relasyon sa kabila ng mga pagbabago ng nangyari sa mundo.
Facebook Comments