Siniguro ng Philippine National Police (PNP) ang aktibong pakikipag-ugnayan sa Department of Justice (DOJ) para sa tuluyang ikasasara ng kaso ng pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Ito’y matapos sampahan ng PNP at National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong murder ang suspendidong director general ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag na nag-utos umano sa pagpatay kay Lapid at inmate na si Cristito Villamor Palaña.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kagaya ng unang ipinangako nila, sisikapin nilang makamit ng naulilang pamilya ni Lapid ang hustisya.
Hindi aniya sila titigil sa paghabol sa mga nasa likod ng krimen para mapanagot ang mga ito sa batas.
Facebook Comments