DOJ Sec. Remulla, nanindigan sa pagdistansya sa kaso ni Gen. Bantag

Nanindigan si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na hindi siya manghihimasok sa kaso ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag kaugnay ng pagpatay kay radio commentator Percy Lapid at sa inmate na si Jun Globa Villamor.

Ayon kay Remulla, walang may gustong madiin si Bantag sa nasabing kaso.

Una nang inihayag ng kalihim na mabigat ang mga ebidensya laban kay Bantag.


Aniya, wala siyang magagawa kundi ipatupad ang batas dahil lumalabas sa mga ebidensya na si Bantag ang itinuturong mastermind sa krimen.

Nanindigan din si Remulla sa kanyang panawagan kay Bantag na sumuko na para mas mapadali ang paggulong ng kaso.

Facebook Comments