Kinukwestyon ngayon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung bakit napag-iiwanan ang Pilipinas ng ibang bansa sa pagbabakuna laban sa COVID-19.
Dismayado si Drilon, na 6 sa 10 mga bansa sa Southeast Asia ang nagsimula na ng vaccination programs, habang ang Pilipinas ay nagkukumahog pa ring makakuha ng bakuna.
Dahil dito ay nag-aalala si Drilon sa hinaharap ng bansa dahil habang naaantala ang pagbabakuna ay tumataas ang tsansa na lalong kumalat ang COVID-19 na magpapatagal sa pagbangon ng ating ekonomiya.
Ipinunto rin ni Drilon na bukod sa kawalan ng kumpyansa ng mga Pilipino sa bakuna ay nakakaapekto rin ang pamumulitika sa mass vaccination program ng pamahalaan.
Kaya giit ni Drilon, huwag haluan ng politika ang COVID-19 vaccination program upang ito ay magtagumpay.