Paulo Avelino umaming nagtangkang magpakamatay dahil sa depression

1515
Image via ABS-CBN website

Inamin ng aktor na si Paulo Avelino na nagtaka siyang magpakamatay noon dahil sa matinding depresyon.

Sa kaniyang Twitter account, ikinuwento ni Paulo ang kaniyang pinagdaanang pagsubok at kung paano niya ito nalagpasan.


 Panimulang mensahe ng Kapamilya star,  “I’ll let this out to the universe since I promised not to keep heavy feelings to myself. One of my closest [friends] committed suicide last year and no one saw it coming.”

Inilarawan niya ang kaibigan nito bilang “go to person”.

Patuloy pa ni Avelino: “A lot of times, I would call him late in the evening feeling so low and he would travel miles just to keep me company and make sure I was in my right mental state to continue [on] with life, constantly reminding me how privileged I am compared to a lot of people.”

Aniya, sinabihan rin siya ng kaibigan na dapat makita nito ang paglaki ng kaniyang anak sa dating nobyang si LJ Reyes.



Dagdag pa niya, “A few years back I tried (attempted) committing suicide. I survived. No one really knew aside from my closest friends and he was one of them… He would switch shifts with a friend to stay with me in the hospital and even when I got discharged, just to make sure I wasn’t stupid enough to do it again.”

“Then it happened,” saad pa ni Paulo tungkol sa pagpapakatiwakal ng kaibigan.

“All the time I needed support from my friends they were there. I was selfish. I demanded time and a part of their emotional state to flow along with mine.

“I saw it coming. That one message you sent the night before you passed away, I brushed off in a joking manner.

“All those messages and time I selfishly demanded are now regrets and baggages I would carry my whole life. THANK YOU! I HOPE YOU ARE RESTING PEACEFULLY. I am living because of the hope and wisdom you engraved in me..

“A year after here I am at 5 in the morning thinking if a few minutes of my time ditching work would make a change OR EVEN SAVE A LIFE,” pagtatapos ng aktor.

Taong 2013, kumalat ang balitang nagtangkang kitilin ni Paulo ang kaniyang buhay pero naitakbo agad sa pinakamalapit na ospital ng kaniyang mga kasama sa tirahan. Mariing pinabulaan ng kampo ni Paulo ang nasabing insidente.

Sa mga taong nakararanas ng depresyon, huwag magaalinlangan sumanggi sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari din kayong tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health:

Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

Facebook Comments