Agot Isidro, binanatan ang mga absent na mambabatas: ‘Kapag kampanya, present sa lahat’

2244
Image via Facebook/Agot Isidro

May banat ang aktres na si Agot Isidro sa mga mambabatas na hindi dumalo sa mga pagpupulong matapos maihalal.

Sa Twitter, Huwebes, nag-post si Isidro ng larawan ng session hall sa Quezon City na aalog-alog sa dami ng bakanteng upuan.

“Eto ang mambabatas ninyo. Kapag kampanya, present sa lahat ng kasal, binyag, libing at kumpil. Kapag naitalaga na at kailangan magtrabaho, absent. Palakpakan, Pilipinas!” sabi ng aktres sa tweet na may ngiwing emjoi.


Hindi naman binanggit ni Isidro kung kailan o anong session kuha ang larawan, ngunit makikita sa video stream na nakapaskil sa website ng House of Representatives na marami ring bakanteng upuan sa katatapos lamang na session ng 18th Congress nitong Hulyo 31.

Taliwas ito sa unang regular session na isinagawa noong Hulyo 22, kung saan makikita sa video stream na puno ang hall ng mga mambabatas–parehong araw na naitalagang house speaker si Alan Peter Cayetano na nakakuha ng 266 boto.

Facebook Comments