Umabot na sa ₱20.86 billion ang naipahiram ng Land Bank of the Philippines sa halos 1,081 kooperatiba at samahan ng mga magsasaka.
Ayon kay Landbank President at CEO Cecilia C. Borromeo ito ay para patuloy na magampanan ng mga kooperatiba ang kanilang papel na tumulong sa komunidad at ekonomiya para muling makabangon dahil pandemya.
Ang sektor ng agrikultura at transportasyon ay kabilang sa mga sektor na natulungan ng Landbank sa pamamagitan ng pagpapahiram na may mababang interes lamang.
Magiging kaagapay aniya sila ng gobyerno sa pagpapabalik ng sigla ng ekonomiya ngayong nasa new normal na ang estado ng bansa.
Facebook Comments