Pautang para sa mga Poultry Owners na Naapektuhan ng Bagyong Rosita, Iminungkahi ni DA Sec. Piñol!

*Cauayan City, Isabela- *Iminungkahi ni Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol ang Pagpapautang para sa mga poultry owners upang makabangon sa pinsalang dulot ng bagyong Rosita.

Aniya, mayroon umanong sapat na budget ang DA upang tulungan na muling makabangon ang mga poultry owners sa lambak ng Cagayan na naapektuhan ng naturang bagyo.

Sa isinagawang pagpupulong na tinutukan ng RMN Cauayan News kasama ang mga poultry raisers ay idinulog ng mga Ito ang kakulangan sa mga pasilidad na maaaring naging sanhi ng kanilang pagkalugi lalo pa at natamaan ang kanilang poultry farm.


Kaugnay nito ay inihayag ni Sec Piñol na Isa umano sa proyekto ng DA ay ang Pagpapautang sa mga Ito kung saan ay 2% lamang ang interest nito kada taon at maaaring bayaran ng hanggang walong taon.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na maaari din umanong makipag ugnayan ang mga poultry owners sa tanggapan ng DA upang maka-apply sa Insurance benefit na layong tulungan ang mga Ito kung napinsala man ang kanilang poultry farm.

Bukod pa rito ay ang 1 peso per cycle insurance na babayaran ng mga poultry owners ay may halagang 90 pesos kada ulo head ng produkto ang maibabalik kung napinsala ito ng kalamidad.

Malaki naman ang naging pasasalamat ng mga dumalong poultry owners sa iminungkahi ng kalihim dahil matutugunan na rin umano ang kanilang mga idinulog na hinaing.

Facebook Comments