Pautang sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng bulkang taal, inalmahan ng isang mambabatas

Iginiit ni Agusan del Norte Representative Lawrence Fortun na tulong at hindi pautang ang kailangan ng mga magsasaka at mangingisda na sinalanta ng pag-putok ng Bulkang Taal.

Sinabi ni Fortun sa Department of Agriculture (DA) na huwag namang idaan sa pautang ang ayudang ibibigay sa mga magsasaka at mangingisda.

Paliwanag ng kongresista, nawalan na ang mga ito ng hanapbuhay ngayon naman ay pagbabayarin pa.


Hiniling ni Fortun sa DA na bigyan ng outright grants ang mga magsasaka at mangingisda na kung saan hindi sila mahihirapan.

Inirekomenda ni Fortun sa ahensya na maaari namang magpatupad ang gobyerno ng housing at pamamahagi ng farmlands sa mga magsasaka na malayo sa danger zone na may zero na may mas mahaba at mas mababang installment payment.

Habang sa mga mangingisda naman ay maaaring bigyang ng housing sa may Laguna de Bay para maipagpatuloy din ang kanilang hanapbuhay.

Pinatitiyak din ng kongresista na sakop din ang mga magsasaka at mangingisda ng 4Ps at Universal Health Care.

Facebook Comments