PAVEMENT DRYER NA NAGKAKAHALAGA NG HIGIT 3 MILYON, PINAGTULUNGANG IPATAYO AT GAWIN NG MGA RESIDENTE NG BURGOS, PANGASINAN

Isinagawa at ipinakita ang bayanihan matapos na nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay, community volunteers at laborers sa pagtatayo ng isang pavement dryer sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive at Integrated Delivery of Social Services-National Community-Driven Development Program (Kalahi-CIDSS-NCDDP) Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KKB) sa Barangay Tambacan, Burgos, Pangasinan.

Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng Php 3,182,360.00 na maaaring magamit ng mga residente mula sa siyam nitong sitio.

Masususing ininspekyon at binantayan ng mga benepisyaryo ang pagdating ng mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo upang masiguro ang kalidad ng mga ito.

Ang nasabing proyekto ay pormal na maisasalin sa kanilang pangangalaga ngayon buwan ng Marso.

Ang Kalahi-CIDSS: KKB (KC) Project ay isang proyekto sa ilalim ng DSWD gamit ang community-driven development (CDD) approach na naglalayong mapabuti ang kalagyan ng pamumuhay ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pinalakas na partipasyon ng pamahalaang lokal katulad ng pagdedesisyon, pagba-badget at sa pagsasagawa upang mapababa ang antas kahirapan sa isang komunidad. | ifmnews

Facebook Comments