DOH, nakapagtala pa ng 870 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 870 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, umakyat pa sa 3, 667, 542 ang total COVID-19 cases sa bansa.

Sa nasabing bilang, 48,793 na lamang ang nananatiling aktibong kaso matapos madagdagan pa ng 1,433 na gumaling.


Habang 144 naman ang panibagong naitalang pumanaw kung kaya’t aabot na ngayon sa 57,023 ang mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Limang laboratoryo ang hindi nakapagbigay ng datos sa COVID-19 Document Repository System ayon sa DOH.

Facebook Comments