
Isang loggerhead sea turtle, na kabilang na sa endangered species, ang natagpuang wala nang buhay sa dagat malapit sa dalampasigan ng Bagasbas Beach, Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte.
Ayon kay Boyet Asis, head ng Bagasbas Beach Cleaners, sa ilalim ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Daet, tinatayang nasa 35–40 kilos ang timbang ng pawikan, may sukat na 36 pulgada ang haba at 27 pulgada ang laki.
Sa pagsusuri ng MENRO, nasira o nagkaproblema ang fore flipper ng sea turtle na posibleng naging sanhi ng pagkamatay nito.
Sa ngayon ay nailibing na rin ang pawikan.
Facebook Comments









