PAYAG | Paglalabas ng breakdown sa presyo ng petrolyo, posibleng i-obliga sa oil companies

Manila, Philippines – Payag ang Department of Energy o DOE na maglabas ng circular para obligahin ang mga kumpaniya ng langis na magpalabas ng break down sa presyuhan ng kanilang ibinebentang petrolyo.

Ayon kay Rodela Romero, DOE-Assistant Director for Oil Industry Management Bureau (OIMB), sa katunayan ay may ganito na silang inisyatibo.

Pero sa ngayon aniya ay nasa proseso pa lang sila ng mga konsultasyon sa iba’t-ibang ahensyang may kinalaman rito.


Sabi pa ni Romeo, walang pinagkaiba ang price adjustment sa bansa sa world market.

Facebook Comments