PAYAPA | Pagdiriwang ng Christmas day, general peaceful – PNP

Manila, Philippines – Naging mapayapa sa kabuuan ang ipinagdiwang na araw na pasko sa buong bansa.

Ito ang naging pagtaya ng Philipine National Police sa harap ng patuloy na monitoring ng PNP ngayong Christmas season.

Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Supt Vimelee Madrid bagamat wala syang comparison sa crime statistics ng nakalipas na taon sa pagdiriwang ng pasko ay maikokonsiderang generally peaceful ang pagdiriwang ng pasko.


Ito aniya ay dahil sa walang naitalang nasawi dahil sa indiscriminate firing o anumang malaking krimen na may kinalaman sa pagdiriwang ng pasko.

Habang agad din aniya naaresto ang Pitong indbidwal na nagsagawa ng indiscriminate firing kabilang dito ang dalawang pulis na kinilalang sina PO1 Arnorld Gabriel Sabill at PO1 Marbin Jay Pagulayan.

Habang patuloy na pinaghahanap ang pitong iba pa kasama ang isang pulis na si PO1 Saharani Maca-ayan dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril.

Sa ngayon nakatutok naman ang PNP sa sitwasyon sa buong bansa para naman matiyak na magiging payapa ang pagsalubong ng bagong taon.

Facebook Comments