Manila, Philippines – Ramdam na ng may 300 miyembro ng grupong Payatas Alliance Recycling Exchange Cooperative epekto ng pagkakasara ng Payatas Dumpsite.
Ipinapawanagan ng PARE sa DENR na pahintulutan ang muling pagbubukas ng Payatas dumpsite.
Ikinatwiran ng grupo na tuluyan na silang mawawalan ng kabuhayan kung tuluyan nang maisasara ang naturang dumspiste.
Tinawag pa nitong berdugo ang DENR dahil hindi sila kinonsulta sa paglalabas ng closure order at dahil dito ay nagugutom na ang libo-libo nilang kasamahan.
Matatandaang, una nang umapela ang Quezon City Government na muling buksan ang Payatas dumpsite pero ibinasura ito ng DENR.
Hindi na “safe and stable” ang tapunan ng basura dahil malambot na ang lupa nito at may posibilidad na gumuho kapag nanalasa ang malakas na bagyo.