Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Leila De Lima na hindi gawain ng isang Kristyano ang pangdi-demonyo umano sa kanya nina Presidential Spokesman Harry Roque at Pangulong Rodrigo Duterte.
Resbak ito ni De Lima sa pahayag ni Roque na hindi alam ni Pope Francis ang tunay na karakter ng senadora.
Diin ni De Lima, hindi dapat nagsasalita ng anumang laban sa kanyang pagkatao si Roque dahil hindi naman siya nito kilala.
Umaasa si De Lima na titigilan na nina Roque at Pangulong Duterte ang kanilang mga kababawan at paninira sa kanya.
Facebook Comments