Nakipag-partner ang financial services ng PLDT na PayMaya sa oil company na Total para isulong ang cashless na pagbabayad sa halos 500 branch nito sa buong bansa.
Sa ilalim ng cashless payments, ang mga motorista at biyahero ay ma-e-enjoy na ang pagbabayad ng gas, pagbili ng mga produkto sa convenience store na hindi naglalabas ng pisikal na pera.
Gamit ang e-wallet ng inyong PayMaya app, pwede nang magbayad sa Total stations sa pamamagitan ng QR o quick response codes.
Sa ngayon sa kanilang branch sa Alabang pa lamang ang tumatanggap ng cashless payments.
Facebook Comments