Magkapatid na pusher timbog sa Dagupan City

Timbog ang dalawang magkapatid na pusher sa A. B fernandez West Poblacion Oeste matapos mahulihang nagtutulak ng iligal na droga.
Sa report ng awtoridad, isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng buy bust operation ng PNP Dagupan at PDEA Pangasinan.
Kumagat umano ang magkapatid na suspek na si Marilyn Saguisi at Ivan Saguisi.
Nakuha sa magkapatid ang isang sachet ng hinihinalang shabu na ibinenta sa poseur buyer at lima pang sachet na mayroong 1. 5 na gramo o street value na 10, 000 kasama at marked money.
Inihain na ang kasong paglabag sa article ii sec. 5 at sec 11 ng ra 9165 ang suspek.

Facebook Comments