Payment issues ng private hospitals at PhilHealth, iimbestigahan sa Senado

Naghain ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros para imbestigahan ng Senado ang isyu sa pagbabayad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga pribadong ospital.

Batay sa sa Senate Resolution No. 880, binanggit ni Hontiveros ang PhilHealth Circular No. 2021-0013 na nagsususpindi sa pagbabayad sa singilin ng mga pribadong ospital na iniimbestigahan sa loob ng 120 araw.

Ayon kay Hontiveros, ang mamamayang Pilipino ang nalulugi sa bangayan ng PhilHealth at private hospitals.


Aniya, malaki ang epekto ng hindi muna pagbabayad sa PhilHealth claims sa mga maliliit na ospital at treatment centers, gayundin sa kanilang health workers.

Matatandaang nagbanta ang Private Hospital Association Inc. (PHAPi) at Philippine Hospital Association (PHA) na kakalas na sila sa PhilHealth dahil sa pagsususpindi sa pagbabayad ng claims.

Facebook Comments