Senator Binay, naka-self-quarantine matapos magpositibo ang ina sa COVID-19

Nagpasya si Senator Nancy Binay na mag-self-quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang kaniyang ina na si Dra. Elenita Binay.

Kaugnay nito ay humihiling ng panalangin ang pamilya Binay para sa tuluyang paggaling ng kanilang ina bagama’t mild symptoms lang ang nararanasan nito.

Nagpapasalamat naman si Binay at kaniyang pamilya dahil negatibo sa resulta ng COVID-19 test ang kaniyang ama na si dating Vice President Jejomar Binay.


Diin ni Senator Binay, isang seryosong bagay ang COVID-19, at may tyansa na ang mga tao sa paligid natin ay carrier ng virus.

Dahil dito, hinihikayat ni Binay ang lahat na pag-ibayuhin ang pag-iingat at huwag palampasin ang pagkakataon na makapagpabakuna.

Facebook Comments