Hindi kinontra ng Palasyo ng Malacañang ang naging pahayag ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa pag-utang ng Pilipians ng bilyon bilyong piso para pondohan ang mga infrastructure projects ng pamahalaan.
Pinagiingat kasi ni Mahathir ang Pilipinas sa pag-utang sa China at maging aral ang nangyari sa kanila matapos nilang kanselahin ang ilang proyekto dahil nakita nilang hindi patas ang mga kundisyon na inilatag ng China sa Malaysia.
Sinabi pa ni Mahathir na kontrolado ng China ang mga bansang mayroong utang sa kanila.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, malalim na pinagaralan ng pamahalaan partikular na ng Economic Team ni Pangulong Duterte ang pagutang sa China at siguradong hindi madedehado ang Pilipinas dito.
Una nang tiniyak ni Finance Secretary Sonny Dominguez na walang dapat ikabahala dahil kayang bayaran ng Pilipinas ang iniuutang nito sa China.