Payo ni Pangulong Duterte kay Pulong at Atty. Mans, hindi makakaapekto sa trabaho ng Senado

Manila, Philippines – Kumpyansa si Senator Panfilo Ping Lacson na hindi maaapektuhan ang trabaho ng Senado sa kabila ng naging payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anak na si Vice Mayor Paolo Duterte at manugang na si Atty Mans Carpio.

Pahayag ito ni Lacson, matapos payuhan ng pangulo sina pulong at atty manse na huwag sumagot sa mga tanong ng mga senador sa pamamagitan ng pag-invoke ng right to remain silent at right against self incrimination sakaling humarap ang mga ito sa pagdinig ng Senado ukol sa mga anumalya sa Bureau of Customs.

Ayon kay Lacson, kahit anong hakbang nina Pulong at Atty. Manse ay magpapatuloy ang Senado sa pagganap sa mandato nito base sa itinatakda ng constitutiom at sarili nitong rules o patakaran.


Nilinaw din ni Lacson na basic right naman ng sinumang humaharap sa pagdinig ng Senado ang pananahimik laban sa self incrimination.

Posible din ayon kay Lacson na magkakaroon ng paglilinaw ang mga tagapasalita ng palasyo ukol sa nabanggit na pahayag ni pangulong duterte dahil open ended ito at bukas sa interpretasyon.

Facebook Comments