Nagpahayag ng suporta at pinayuhan din ni Vice President Leni Robredo si Pasig City mayor-elect VIco Sotto sa mga pagdadaanan nito sa oras na maupo sa puwesto.
“‘Yung pinaka-mensahe, maraming paghihirap ang pagdadaanan. Sana mag-stay lang ng course. Maraming temptations. Maraming shortcuts na dadaanan niya, pero sana ‘yung focus parating nandyan,” ani Robredo.
Sinabi rin ng bise presidente na handa siya at ang mga dating kasamahan ng kanyang asawa, para tulungan ang batang mayor kung kinakailangan.
“Nandito lang naman kami. Hindi lang ako pero lalo na ‘yung mga katrabaho ng asawa ko. Nagvo-volunteer kami kung meron siyang kailangan na tulong from us para matuto sa lessons na pinagdaanan.”
Dati ring nakakuha ng suporta mula kay Sotto ang Naga City nang pinagtanggol nito sa isang tweet ang lungsod kaugnay ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “hotbed” ng shabu lugar.
Spent 2 days tagging along with the executive director of the Naga City People’s Council. Bus to Manila about to leave now.
Talagang hotbed dito! Hotbed of citizen empowerment and participation in governance!!! 😲💥🙌🙋🙆 pic.twitter.com/zriAkK5awO
— Vico Sotto (@VicoSotto) August 24, 2018