Payong-Payong driver patay sa pamamaril

Patay ang isang payong-payong driver matapos itong mabiktima ng pamamaril noong sabado ng hapon sa LR Sebastion street barangay RH-10 Cotabato City.
Nakilala ang biktima sa Datumen Mamaluba Balabaran 28 anyos na residente ng Tamontaka Mother.Siyay nagtamo ng multiple gun shot wound sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging sanhi ng agara nitong kamatayan.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng Police Station 2, nagpapagas lamang daw ang biktima sa takal-takal na gasolina sa naturang lugar ng biglang sumulpot ang riding in tandem at walang kaabog-abog na pinagbabaril.
Narecover sa crime scene ang anim na basyo ng caliber 45 pistol na baril…Blanco parin ang kapulisan sa motibo sa pamamaril.( Michael Suan)

Facebook Comments