Muling nagpulong ngayong araw ang mga executive ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of Trade and Industry (DTI) ngayong araw para plantsahin ang proseso ng distribusyon ng cash assistance sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program o SLP cash aid.
Natalakay sa pulong na pabilisin ang payout sa buong bansa.
Ang pulong ay pinangunahan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at DTI Undersecretary Carolina Sanchez at iba pang opisyal.
Nangako ang DSWD at DTI na tutukuyin ang mga timeline para sa payout ng SLP.
Napagkasunduan ng dalawang ahensya na isasapinal ng DTI ang iskedyul para mapabilis ang mga aktibidad sa pagbibigay ng cash aid.
Ayon sa DSWD, napapanahon ang bigay na tulong sa mga micro retailer na apektado ng Executive Order No. 39 na nag-utos ng price cap na P41 at P45 sa regular at well-milled rice.