CAAP, naglabas ng NOTAM kaugnay ng Mayon Volcano eruption

Nagpalabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kaugnay ng panibagong pag-alburoto ng bulkan.

Partikular ang nangyaring volcanic ash eruption ng Mt. Mayon.

Sa abiso ng CAAP, pinaiiwas sa bulkan ang mga piloto dahil sa mapanganib sa makina ng eroplano ang abo.


Sa ngayon, nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon.

Facebook Comments