Inaasahang makukumpleto na ang payout ng ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan ngayong linggo.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Jonathan Malaya, naresolba na kasi ang mga concern na naging dahilan ng delay sa unang distribusyon ng nasabing financial assistance.
Inabisuhan na ng DILG ang mga benipisyaryo na makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga Local Government Units (LGUS) kung kailan magsisimula ang pamamahagi sa kanilang mga lugar.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na nasa 1.3 million na 4PS beneficiaries ang nabigyan na ng 2nd tranche ng DSWD.
Nabatid na nasa 4.2 milyong mahihirap na pamilya na hindi nabigyan ng unang bugso ang target na mabigyan ng ayuda ngayong linggo.