Taas-presyo sa ilang produktong petrolyo, ipapatupad bukas ng umaga

138

Magpapatupad ng taas-presyo ang ilang kumpanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo simula alas-sais ng umaga bukas, June 23, 2020.

Sa inilabas na abiso ng Petro Gazz, dagdag na P0.85 centavos ang ipapataw sa diesel habang P1.05 naman sa gasolina.

Sa kasalukuyan, pumapalo na sa 34 pesos hanggang 36 pesos ang kada litro ng diesel habang nasa 44 pesos hanggang 46 pesos ang presyo ng gasolina.


Ang pagtaas sa world market at dagdag na excise tax ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng sunod-sunod na pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Facebook Comments