PBA | Alaska Aces at Meralco Bolts, magkakasagupa mamaya

Manila, Philippines – Magbabanggaan mamayang hapon ang Alaska Aces at Meralco Bolts para sa 2018 PBA Governors Cup.

Ayon kay Aces Coach Alex Compton – target nilang makamit ang ikawalong sunod nilang panalo.

Hindi pa natatalo ang Aces sa kabila ng hindi paglalaro ng suspindidong Forward na si Calvin Abueva magmula ng matapos ang PBA All-star.


Alas-4:30 ng hapon ang laban ng Alaska at Meralco habang susundan ito ng tapatan ng Barangay Ginebra at Magnolia Hotshots ng alas-6:45 ng gabi.

Facebook Comments