PBA | Alaska Aces, bumawi sa Magnolia Hotshots; 100-71

Bumawi sa game-3 ng PBA Governor’s Cup Finals ang Alaska Aces kontra Magnolia Hotshots.

Tinambakan ng Aces ang Hotshots sa score na 100-71 para makuha ang unang panalo sa kanilang best-of-seven championship.

Bumida sa panalo ng Alaska sina Mike Harris na may 36-points at Carl Bryan Cruz (CBC) na may 10-points.


Todo pasalamat si CBC dahil sa tiwalang ibinigay sa kaniya ni coach Alex Compton lalo na at malaki ang naitulong nito sa kanilang naging laban.

Mapapanood naman ang game-4 sa Miyerkules (December 12) na gaganapin sa The Big Dome.

Facebook Comments