THANKFUL | Miguel Tanfelix, Bianca Umali – nominated bilang favorite foreign actor at actress sa Vietnam

Thankful ngayon ang on-screen partner na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali matapos silang ma-nominate bilang favorite foreign actor at actress of the year sa Vietnam.

Nabatid kasi na isa sa dahilan ng pagsikat ng dalawa sa Vietnam ay ang pagpapalabas ng kanilang teleserye noong 2015 na “Once Upon a Kiss” na kasalukuyang umeere ngayon sa bansa.

Ginawang open to the public ng todaytv’s face of the year awards ng International Media Corp. (IMC) ang online voting kaya maaari itong suportahan ng kanilang Pinoy fans.


Mayroong na lamang hanggang December 31, 2018 alas-3:30 ng hapon sa oras ng Manila ang mga fans para suportahan ang dalawa sa online voting.

Facebook Comments