PBA | Alaska Aces, naitabla ang serye kontra Meralco Bolts

Naitabla ng Alaska Aces sa 1-1 ang kanilang best-of-five semifinals series kontra Meralco Bolts.

Tinalo ng Aces ang Bolts sa score na 100-95 kung saan kumamada sa Alaska sina Mike Harris na may 37-points at Simon Enciso na may 23-points.

Bagaman at nanalo, aminado sina Enciso at Harris na kailangan nilang paghandaan ang susunod na laban dahil sigurado daw na reresbak ang Meralco.


Samantala, mapapanood na mamayang alas-2:00 hanggang alas-5:00 ng hapon ang second leg ng Radyoman Manila Bonding-Volleyball Tournament sa Pembo Covered Court sa Makati City.

Unang maghaharap ang DZXL Team-A at DZXL Team-B, na susundan ng Gentle Hands Holistic Wellness laban sa Lunas Kalusugan.

Facebook Comments