PBA | Alaska Aces, panalo sa kontra San Miguel Beermen sa PBA Commissioner’s Cup

Manila, Philippines – Nasungkit ng Alaska Aces ang unang panalo sa best-of-five semifinals game kontra San Miguel Beermen sa score na 125-104 ng PBA Commissioner’s Cup.

Dahil sa panalo ay mayroon ng isang panalo ang Aces habang dalawang panalo naman ang Beermen.

Nanguna sa Aces si Vic Manuel na may 24 points habang mayroong 21 points si Diamon Simpson.


Ayon kay Alaska Coach Alex Compton, talagang gumalaw ang kanilang mga manalalaro para hindi ma-sweep ng Beermen ang laban.

Facebook Comments