Digos City – Hindi pinaporma ng Team Mindanao ang Gilas Pilipinas sa unang leg ng 2018 PBA All-Star week na ginanap sa Davao del Sur sa Digos City.
Tinalo ng Mindanao All-Stars ang Gilas sa score na 144-130 kung saan bumida sa panalo si Baser Amer na may 22-points habang 20-points naman ang nai-ambag ni Marc Barroca.
Nanguna naman para sa Gilas si June Mar Fajardo na may 34-points at 14-rebounds.
Samantala, nanalo sa three-points legends shootout sina Terrence Romeo at Mas Carpio matapos na makaiskor ng kabuuang 33-points.
Tinalo nila sina Kenneth Duremdes at Bobby Pacquiao na may 27-points habang nasa third place naman sina Allan Caidic at Special Assistant to the President Bong Go na mayroong 22-points.
Facebook Comments