PBA | All-star weekend, tatapusin na ngayong araw sa Iloilo

Iloilo – Isasagawa ang 2018 PBA All-Stars sa Iloilo City.

Mamayang alas-7:00 ng gabi, makakatapat ng smart All Stars ang Visayas Selection sa University of San Agustin Gym.

Kukumpasan ni Magnolia Coach Chito Victolero ang visayan All-Stars habang si TNT Katropa Mentro Nash Racela ang hahawak sa smart Gilas Squad.


Bibida si June Mar Fajardo sa Visayan All-Stars kasama sina Kiefer Ravena at Terrence Romeo.

Pangungunahan naman nina Japeth Aguilar, Calvin Abueva, Troy Rosario, Jayson Castro At Matthew Wright ang Smart Gilas Team.

Nabatid na nabigong patumbahin ng Smart All Stars na patumbahin ang Mindanao selection sa iskor na 130-144 habang nasungkit nito ang panalo kontra Luzon selection sa iskor na 152-149.

Facebook Comments