PBA | Arwind Santos ng San Miguel Beermen at Anthony Semerad ng TNT KaTropa, pinatawan ng multa

Manila, Philippines – Pinatawan ng tig-P20,000 na multa ng PBA Commissioner’s Office sina Arwind Santos ng San Miguel Beermen at Anthony Semerad ng TNT KaTropa.

Ito ay matapos silang ma-eject sa laro ng kanilang teams noong Sabado kung saan nagkaroon sila ng tila wrestling match.

Bukod sa dalawang players, pinagmulta din ng Commissioner’s Office si Don Trollano ng TNT KaTropa na pasimpleng siniko si Santos sa gitna ng komosyon.


Ipinapatawag din ni PBA Commissioner Willie Marcial sina Terrence Romeo ng TNT at Marcio Lassiter ng SMB na na-thrown out din sa nasabing laro kung sana nanalo ang Beermen sa score na 99-94.

Facebook Comments