PBA | Barangay Ginebra, aminadong mahirap pa ring kalaban ang San Miguel Beermen

PBA – Aminado ang point guard ng Barangay Ginebra na si L.A. Tenorio na mahirap pa din kalaban ang San Miguel Beermen ngayong PBA Philippine Cup.
Ito ay sa kabila ng pahayag ni Coach Tim Cone na kayang tapatan ni Gin Kings Center Greg Slaugther si June Mar Fajarod ng Beermen basta’t mapanatili lamang nitong 100 percent ang kalusugan at huwag magka-injury.
Ayon kay L.A., lahat halos ng team sa PBA ay pinaghahandaan ang San Miguel kaya’t maging sila ay pinag-aaralan na din kung paano nila ito tatalunin lalo na’t ang Beermen ang defending champs ng All Filipino Cup.
Sa kabila nito, sisikapin daw nila na makakuha ng panalo kada laro at maka-secure ng magandang pwesto sa play offs.

Facebook Comments