PBA | Barangay Ginebra wagi kontra Meralco Bolts sa best-of-three quarter finals

Manila, Philippines – Wagi sa kanilang unang laban ang Barangay Ginebra kontra sa koponan Meralco Bolts 88-81.

Sa kanilang best-of-three quarter finals bumida sa Ginebra si Justin Brownlee na nakaiskor ng 25 points habang mayroong 14 points si Joe De Vance.

Sabi ni Ginebra Coach Tim Cone, magaling sa depensa ang Meralco kaya nahirapan sila sa kanilang laban.


Samantala, nasungkit din ng San Miguel Beermen ang unang panalo kontra TNT KaTropa 121-110.

Nanguna ang import nila na si Renaldo Balkman sa panalo ng Beermen matapos makapuntos ng 36 at 16 rebounds habang mayroong 27 points si June Mar Fajardo.

Aminado naman si SMB Coach Leo Austria na kinabahan sila sa nasabing laban.

Facebook Comments