PBA, binigyan na ng provisional approval ng IATF para sa paghahanda sa bubble type league sa Philiippine Cup

Ikinatuwa ng Philippine Basketball Association (PBA) ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na pagkalooban sila ng provisional approval para maipagpatuloy ang Philippine Cup.

Dahil sa desisyon na ito ng IATF, makapagsasagawa na ng scrimmages ang bawat koponan at makapaghahanda na rin sila sa bubble type league ng PBA.

Ang mga players, team officials, media at mga staff ng PBA ay dadaan sa mandatory swab test sa Huwebes at Biyernes saka sila sasailalim sa strict home quarantine bago tumungo ng Clark, Pampanga.


Sakali naman maging negative sa unang pagsusuri, sasailalim pa rin sila sa swab test bago pumasok ng bubble kung saan papayagan silang lumabas sa kanilang mga kwarto sa hotel kung maging negatibo ulit ang result sa ikawalang pagsusuri.

Ang 12 koponan ay tutungo ng Pampanga ng batch by batch sa September 28 at 29 para paghandaan ang simula ng laro sa October 11.

Facebook Comments