PBA | CJ Perez, posibleng manguna sa rookie draft

130

Manila, Philippines – Bukambibig ng mga retired at active PBA players ang Lyceum player na si CJ Perez na nakikita nilang mangunguna sa 2018 PBA Rookie Draft.

Nang tanungin kung sino kina CJ Perez, Ray Parks at Robert Bolick ang dapat na mag number one, sinabi ni retired PBA player Gary David si Perez ang kaniyang napipisil dahil nakikita niya ang leader figure dito tuwing naglalaro.


Ayon naman kina PBA active players Beau Belga at LA Tenorio, si Perez rin ang kanilang pick dahil bukod sa Lyceum rin ito, nakikita naman nila ang hardwork at pagiging masipag nito.

Facebook Comments

From Advertisers