PBA | Dating Gilas Player Jeff Chan maglalaro na sa Barangay Ginebra

Manila, Philippines – Pagkakataon na ni Jeff Chan na ipakita na hindi nagkamali ang Barangay Ginebra sa pagkuha sa kaniya mula sa Phoenix Fuel Masters.

Sasabak kasi mamayang gabi ang Gin Kings kontra Columbian Dyip mamayang ala-siyete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Inaasahan na madadagdagan ang scoring punch ng Barangay Ginebra sa pagdating ni Chan.


May record na tatlong panalo at limang talo ang Ginebra at kailangan nitong maipanalo ang mga natitira nitong laro para matiyak ang pagpasok nito sa quarterfinals ng commissioner’s cup.

Maghaharap naman sa unang game ang GlobalPort Batang Pier at Phoenix Fuel Masters sa isa pang crucial PBA encounter.

Facebook Comments